This Wednesday na raw pipirma ng movie contract si KC Concepcion sa Star Cinema. One-picture deal muna ang pinirmahan ng dalaga at ‘di pa naka-specify kung anong project at kung sino ang leading man niya sa kanyang debut movie.

Nalaman namin ito sa mga kaibigang reporters na pinag-uusapan ang tungkol dito.

Ito na kaya ang hinihintay na KC-Richard Gutierrez team-up? Maraming matutuwa ‘pag natuloy ito and hopefully, magka-totoo ang sinabi ni Ruffa Gutierrez na ang pagtatambal ng dalawa sa pelikula ang bubura sa network war.

Ano na nga kaya ang nangyari sa binabalak na co-production ng Star Cinema at GMA Films? Ang ganda kung matutuloy magtambal sa pelikula sina KC at Richard. [source of news]
Discuss   Add this link to...  Bury

Comments Who Voted Related Links